Paano Mag Bid ng Property sa Acquired Assets ng Pag-ibig


Ang Pag-IBIG Fund ay nag-ooffer ng mga acquired assets tulad ng foreclosed properties (house and lots, condominium units, etc.), chattels (cars, equipment, etc.), at land. Kung interesado kang bumili ng acquired assets, maaari mong sundin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Maghanap ng mga available na acquired assets. Maaaring magtanong sa Pinakamalapit na Pag-IBIG Branch o Regional Office kung saan mo gustong bumili ng asset o mag-check online sa Pag-IBIG Fund website. 

Pwede moding gamitin ang Acquiredassets.ph at ForeclosedProperties.info na website para makita ang latest na listahan.

2. Mag due deligence sa nakuha na listahan ng mga available na bahay sa pag-ibig. Maigi tignan muna ang property bago mag bid.

3. Mag-attend ng seminar. Bago ka makapagbid sa mga acquired assets ng Pag-IBIG, kailangan mo munang mag-attend ng seminar para malaman mo ang mga requirements, guidelines, at procedures na dapat mong sundin. Maaaring mag-register online para sa seminar.

4. Magparehistro at sagutan ang Purchase Offer Form, isumite at ihulog ito sa Drop Box, kalakip ang mga sumusunod:

Purchase Offer

Kopya ng valid ID’s ng offeror at ng authorize representative kung kinakailangan

Kung sakaling ang offeror ay hindi makakapunta sa oras ng paghuhulog ng kanyang Purchase Offer form, siya ay maaaring magtalaga ng kanyang representante na may dalang authorization letter/Special Power of Attorney (SPA). Ang authorization letter ay limitado lamang sa paghuhulog ng Purchase Offer Form.

Dokumento na nagpapatunay ng pinagkakakitaan kung ang napiling paraan ng pagbabayad ay Long-Term Installment (LTI).

Paraan ng pagbabayad :

Kung Cash na babayaran:

Diskwento: 30%

Magbayad ng paunang 5% ng kabuuang halaga kasabay ng pagbayad ng reservation fee.

Ang kabuuang halaga ay dapat na bayaran sa loob ng tatlumpong (30) araw mula sa araw ng pagpirma ng Deed of Conditional Sale.

Kung Short-Term Installment na babayaran:

Diskwento 20%

Magbayad ng paunang 5% ng kabuuang halaga kasabay ng pagbayad ng reservation fee.

Ang kabuuang halaga ay dapat na bayaran sa loob ng isang (1) taon na may kaakibat na interest na 6.375%.

Kung kukuha sa pamamagitan ng programang pabahay ng Pag-IBIG o Long-Term Installment (LTI ):

Diskwento 10%

5. Isumite ang kumpletong dokumento sa loob ng Tatlumpong (30) araw simula ng pagbayad ng reservation fee kasama ang P2,000.00 processing fee, advance 1 year insurance premiums at documentary stamp tax.

"Ang pagbubukas ng mga naisumiting Purchase Offer ay base sa nakatakdang oras at araw na nakalathala sa website ng Pag-IBIG Fund. Ang mga nanalo na buyer ay mailalathala sa aming website www.pagibigfund.gov.ph at makakatanggap ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng text message."

Gumawa ng Letter of Intent. Kung nais mong magbid sa isang acquired asset, kailangan mong magsumite ng Letter of Intent sa Pag-IBIG na nagpapakita ng iyong interes sa pagbili. Kailangan ding magbayad ng non-refundable processing fee.

Ang nanalong offeror o buyer ay magbabayad ng P1,000.00 Reservation Fee (non transferrable/non refundable) sa loob ng limang (5) araw simula sa pagtanggap ng Notice of Award.

6. Magsubmit ng mga requirements. Kung nakuha mo na ang pahintulot mula sa Pag-IBIG Fund na magbid, kailangan mong magsubmit ng mga kinakailangang requirements tulad ng valid IDs, proof of income, at iba pa.

Paraan ng Pag-Bid sa AcquiredAssets:

Magbid sa acquired asset. Sa araw ng bidding, kailangan mong magdala ng sapat na halaga ng pera para sa deposit at kung magkano ang kaya mong ipagbid. Kung ikaw ang may pinakamataas na bid sa acquired asset, kailangan mong magbayad ng downpayment sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng bid.

7. Pagtanggap ng Notice of Conditional Approval of Sale. Pirmahan at isumite ang Deed of Conditional Sale at ibang dokumento na nagpapatunay ng Loan sa Pag-IBIG Fund.

8. Simulan ang pagbabayad ng buwanang hulog pagkaraan ng tatlumpong (30) araw mula sa araw ng pagpirma ng Deed of Conditional Sale.

Kung mayroon kang iba pang mga katanungan o gustong malaman ang mga detalye tungkol sa pagbili ng acquired assets sa Pag-IBIG, maaari kang magtanong sa pinakamalapit na Pag-IBIG Branch o tumawag sa Pag-IBIG Hotline.

Para sa iba pang Listahan ng mga Acquired Assets, pwede mong puntahan din ang foreclosedproperties.info


Date Published: Feb 20, 2023